Ang bagyong Malakas ay papalapit na sa Ogasawara Islands sa Japan

Ang pagbuo ng mga raincloud na kasama ng bagyo ay malamang na magdadala ng malakas na ulan sa mga isla.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng bagyong Malakas ay papalapit na sa Ogasawara Islands sa Japan

Papalapit na ang Bagyong Malakas sa Ogasawara Islands ng Japan sa Pasipiko. Ang mga weather officials ay nananawagan ng pag-iingat laban sa marahas na hangin at mataas na alon.

Sinabi ng Japan Meteorological Agency na noong Huwebes ng hapon, kumikilos ang bagyo sa hilaga pa hilagang-silangan sa mga karagatan sa timog ng Japan sa bilis na 30 kilometro bawat oras.

Ang gitnang presyon nito ay 950 hectopascals at may pinakamataas na bilis ng hangin na humigit-kumulang 160 kilometro bawat oras, na may pagbugsong higit sa 200 kilometro bawat oras.

Ang bagyo ay inaasahang magpapatuloy sa paggalaw pahilaga at lalapit sa Ogasawara Islands sa Biyernes ng umaga at hapon.

Ang mga isla ay inaasahang makikitaan ng pinakamataas na bilis ng hangin na aabot sa 126 kilometro, at pagbugsong aabot sa 180 kilometro bawat oras. Magiging maalon ang mga dagat, na may mga alon na aabot sa 12 metro.

Ang pagbuo ng mga raincloud na kasama ng bagyo ay malamang na magdadala ng malakas na ulan sa mga isla. Inaasahan ang pag-ulan na hanggang 200 millimeters sa ilang lugar sa loob ng 24 na oras hanggang Biyernes ng gabi.

Ang Izu Islands, bahaging timog ng Tokyo, at mga baybaying bahagi ng Greater Tokyo area ay malamang na tamaan din ng malakas na hangin sa Biyernes at Sabado.

Nananawagan ang mga opisyal sa mga tao na maging alerto sa marahas na hangin, mataas na alon, pagguho ng lupa, pagbaha at pagtama ng kidlat.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund