TOKYO — Sinabi noong Marso 3 ng Japanese company na nago-operate ng malalaking discount store chain na Don Quijote na tutulong ito sa pag-accommodate ng 100 Ukrainian refugee na pamilya na tumakas sa pagsalakay ng militar ng Russia.
Ang hakbang ng Pan Pacific International Holdings Corp. na nakabase sa Tokyo ay dumating isang araw matapos ipahayag ni Punong Ministro Fumio Kishida na tatanggapin ng Japan ang mga refugee bilang bahagi ng mga pagsisikap ng pamahalaan sa tulong na makatao.
Ang kumpanya ay magbibigay sa mga pamilya ng refugee ng tulong pinansyal, suporta para sa kanilang mga kabuhayan, at mga oportunidad sa trabaho. Habang ang mga konkretong hakbang ay hindi pa matutukoy, sinabi ng kumpanya na isinasaalang-alang nito ang pag-empleyo sa mga ito sa mga tindahan ng grupo nito, bukod sa iba pang mga hakbang, at pagbibigay sa kanila ng bokasyonal na pagsasanay.
(Japanese original ni Hiroki Masuda, Digital News Center)
Join the Conversation