Nagpasya ang gobyerno ng Japan na itaas ang presyo ng imported na trigo na ibinebenta nito sa mga milling company. Ang bagong rate ay ang pangalawang pinakamataas na antas na naitala.
Ang mga presyo ng butil ay tumataas sa buong mundo, pinalakas ng pag-aalala sa mga potensyal na kakulangan ng suplay mula sa mga pangunahing exporter na Russia at Ukraine.
Ang average na presyo para sa limang pangunahing uri ng trigo ay tataas sa 72,530 yen, o humigit-kumulang 630 dolyares, bawat tonelada para sa mga paghahatid sa panahon ng Abril hanggang Setyembre. Iyon ay 17.3 porsyento na mas mataas kaysa sa gastos para sa nakaraang anim na buwan.
Ang mahinang ani sa Estados Unidos at Canada noong nakaraang taon dahil sa nakapapasong init at tuyong panahon ay isa pang pangunahing dahilan ng pagtaas.
Umaasa ang Japan sa imported na trigo para sa halos 90 porsiyento ng domestic consumption.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation