Mga mamamayan sa Japan, nag-donate ng 2 bilyong yen para sa relief goods na ipapadala sa Ukraine

Mahigit 60,000 residente ang nagbigay ng mga donasyon sa isang bank account na itinakda ng Embahada ng Ukraine.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga mamamayan sa Japan, nag-donate ng 2 bilyong yen para sa relief goods na ipapadala sa Ukraine

TOKYO- Nag-donate ang mga residente sa Japan ng humigit-kumulang 2 bilyong yen sa isang relief fund para sa Ukraine kasunod ng pagsalakay ng Russia sa bansa, sinabi ito ng ambassador ng Ukraine nitong Martes.

Nakipagpulong si Ambassador Sergiy Korsunsky kay Kenta Izumi, pinuno ng pangunahing oposisyon na Constitutional Democratic Party ng Japan ,nagpapasalamat ito sa mga tao sa bansa at sa pamahalaan sa pag suporta. Mahigit 60,000 residente ang nagbigay ng mga donasyon sa isang bank account na itinakda ng Embahada ng Ukraine.

Nanawagan si Korsunsky para sa patuloy na suporta dahil napaka-laking halaga ng pera ang kakailanganin para sa muling pagtatayo sa Ukraine, sinabi ni Izumi sa mga mamamahayag pagkatapos ng pulong sa embahada.

Samantala, ang higanteng e-commerce na Rakuten Group Inc ay hiwalay na nag-set up ng isang humanitarian fund, na tumatanggap ng mahigit 1.4 bilyong yen noong Martes. Si Yoshiki, pinuno ng mega rock band na X Japan, ay nagsabing nag-donate siya ng 10 milyong yen sa pondo.

Source: Japan Today

Image: Japan Times

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund