Plano ng gobyerno ng Japan na mag-alok sa mga Ukrainian evacuees na pumupunta sa Japan ng opsyon na makakuha ng isang taong visa para makapagtrabaho sila.
Sinabi ng mga opisyal ng gobyerno na plano nilang aktibong tanggapin ang mga Ukrainians na tumatakas sa pagsalakay ng Russia. Ang 47 Ukrainians na dumating sa Japan noong Linggo ay nabigyan na ng panandaliang 90-araw na visa.
Sinabi ni Justice Minister Furukawa Yoshihisa sa mga mamamahayag noong Martes na ang mga Ukrainians ay maaaring mag change status sa “designated activities” na status kung nais nila, na nagpapahintulot sa kanila na manirahan at magtrabaho sa Japan nang hanggang isang taon.
Sinabi ni Furukawa na ang kanyang ministeryo ay maglulunsad din ng isang taskforce na pinamumunuan ng administrative vice minister upang magbigay ng kinakailangang suporta para sa mga lumikas na Ukrainian.
Sinabi ng ministro na ang gobyerno sa kabuuan ay dapat mag-alok ng malawak na tulong na tumutugon sa mga partikular na pangangailangan ng bawat indibidwal.
Join the Conversation