Japan, mahigpit na ipinag-babawal ang pag-export ng mga mamahaling kagamitan sa Russia

Ipinagbabawal na ng Japan ang pag-export ng humigit-kumulang 300 na mga item sa Russia, tulad ng mga maaaring i-convert sa paggamit ng militar at pangkalahatang paggamit ng mga semiconductor chip.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan, mahigpit na ipinag-babawal ang pag-export ng mga mamahaling kagamitan sa Russia

Ipagbabawal ng Japan ang pag-export ng mga luxury goods sa Russia para ma-pressure ang mga oligarch — mayayamang business tycoon na inaakalang malapit kay President Vladimir Putin.

Ang listahan ay sumasaklaw sa 19 na item, kabilang ang mga kotse na nagkakahalaga ng higit sa 6 na milyong yen, o humigit-kumulang 48,000 dolyares at mga motorsiklo na nagkakahalaga ng higit sa 600,000 yen,humigit-kumulang 4,800 dolyares. Kasama rin dito ang mga piano na nagkakahalaga ng higit sa 200,000 yen, mga 1,600 dolyar, natural na perlas, high-end na Japanese whisky at mga relo na may halagang lampas sa 40,000 yen, o humigit-kumulang 300 dolyares. Ang export ban ay mag kakabisa sa Abril 5.

Ipinagbabawal na ng Japan ang pag-export ng humigit-kumulang 300 na mga item sa Russia, tulad ng mga maaaring i-convert sa paggamit ng militar at pangkalahatang paggamit ng mga semiconductor chip. Ang mga bagay na gagamitin para sa makataong layunin ay hindi kasama.

Sinabi ng ministro ng kalakalan ng Hapon na si Hagiuda Koichi sa mga mamamahayag noong Martes na babantayan ng bansa ang sitwasyon sa Ukraine at gagawa ng karagdagang mga parusa sa pakikipagtulungan sa internasyonal na pamayanan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund