Ang KC-767 transport aircraft ay umalis sa Komaki Air Base sa Aichi Prefecture, central Japan, noong Martes ng gabi patungong Poland, na may border sa Ukraine.
Ito ang unang pagkakataon na nagbigay ang SDF ng bullet-proof vests sa ibang bansa.
Ang gobyerno ng Japan ay nagpasya na magbigay ng non-lethal supplies bilang tugon sa isang kahilingan mula sa Ukraine.
Kasama rin sa mga item ang makakapal na damit para sa taglamig at mga pang-emerhensiyang supply ng pagkain.
Ayon sa mga alituntunin ng Japan sa pag-transfer ng defense equipment ay ipinagbabawal sa Japan ang pagbibigay ng mga supplies sa dalawang bansa na nag aaway at nasa giyera.
Ngunit ipinaliwanag ng gobyerno na ang termino ay isang bansa lamang ang may layuning ng pag atake at pananakop at ito ay nalalapat sa mga bansa kung saan naganap ang isang armadong pag-atake, at napapailalim sa mga hakbang ng UN Security Council na naglalayong mapanatili o ibalik ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad. Sinasabi nito na hindi akma ang Ukraine dahil dinidepensahan lamang ang pag atake sakanila.
Plano ng Defense Ministry na maghatid ng mas maraming kagamitan at supply sa Ukraine kapag handa na sila.
Join the Conversation