Share
TOKYO (Kyodo) — Isinasaalang-alang ng Japan na itaas ang pang-araw-araw na limitasyon sa mga darating galing ibang bansa sa 10,000 katao mula sa kasalukuyang 7,000 simula sa Abril, na higit pang nagpapagaan sa mga border control ng COVID-19, sinabi ng mga sources ng gobyerno noong Martes.
Sinabi ni Punong Ministro Fumio Kishida na ang gobyerno ay magpapaluwag sa mga hakbang sa border control.
Dahil maraming mga dayuhang estudyante ang naghihintay na mag-aral sa Japan, ang gobyerno ay naglabas ng plano na bigyan sila ng prayoridad sa pagpasok. Karamihan sa kanila ay inaasahang darating sa katapusan ng Mayo, sinabi ng nangungunang tagapagsalita ng gobyerno na si Hirokazu Matsuno.
Join the Conversation