TOKYO (Kyodo) — Pinaluwag ng Japan ang mga kontrol ng pagpasok sa bansa noong Martes, na itinakda ang limitasyon nito sa mga bagong pasok sa 5,000 bawat araw, mas mataas keysa sa dating 3,500, at binawasan ang araw ng quarantine para sa parehong mga Japanese at dayuhan.
Sa loob ng pang-araw-araw na limit, na na-relax sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong buwan, ang mga foreign nationals ay maaring makapasok sa Japan para sa nakatakdan layunin maliban sa mga turista.
Pagkarating sa Japan, hihilingin sa mga manlalakbay na i-quarantine sa loob ng tatlong araw at kinakailangan na mag-negatibo sa pagsubok para sa virus sa huling araw ng panahong iyon.
Ang mga nabakunahan ng tatlong beses at umalis mula sa mga bansa kung saan ang mga impeksyon ay nagpapatatag ay hindi na kailangang mag-quarantine.
Join the Conversation