Inaresto ng mga pulis ang isang Vietnamese national intern dahil sa kaso sa pagpatay sa kapwa nitong Vietnamese

Sinabi ng pulisya na inamin niya ang pananaksak sa biktima gamit ang isang kutsilyo, ngunit itinanggi niyang may intensyon siyang patayin ang lalaki.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Inaresto ng Japanese police ang isang 24-anyos na lalaki mula sa Vietnam dahil sa umano’y pagpatay sa isa pang Vietnamese sa hilagang prepektura ng Hokkaido sa Japan.

Sinabi ng pulisya na sumugod sila sa Asahikawa station ng Hokkaido Railway noong Linggo matapos sabihin ng isang tumatawag na mayroong isang lalaki na sinaksak.

Natagpuan nila ang isang Vietnamese na lalaki, si Than Van Nghia, na nasaksak sa leeg at sa iba pang bahagi. Ang technical intern, na 35, ay binawian na ng buhay sa ospital.

Ginamit ng mga pulis ang footage ng security camera para matunton ang suspek sa Asahikawa City. Naglabas sila ng warrant of arrest noong Lunes ng umaga.

Ang suspek na si Nguyen Ngoc Tung, ay isa ring technical intern mula sa Vietnam.

Sinabi ng pulisya na inamin niya ang pananaksak sa biktima gamit ang isang kutsilyo, ngunit itinanggi niyang may intensyon siyang patayin ang lalaki.

Magkakilala raw ang dalawa.

Source: NHK World Japan

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund