Isang 62-anyos na lalaki sa Nagoya, na lumilitaw na isang fake marriage broker, ang inaresto dahil sa pagkakaroon ng pekeng kasal para makakuha ng status of residence ang isang babaeng Pilipino.
Ang inaresto ay si Yoshiharu Nakamura, isang 62-anyos na consultant sa Naka-ku, Nagoya, sa fake marriage sa isang 25-anyos na babae ng Philippine nationality noong 2018. May hinala na nagsumite siya ng marriage registration sa Naka Ward Office.
Ang babae ay pinagtrabaho niya sa isang Philippine pub simula ng dumating ito sa bansa, ngunit noong Pebrero ay humingi ang Pinay ng proteksyon sa pulisya, na sinasabi na siya ay pinilit ng lalaki na magbigay ng sexual service, at doon natagpuan ang peke nilang kasal.
Itinanggi ni Nakamura ang paratang sa kanya”, ngunit humigit-kumulang 100 na passport at mga seal ng iba pang mga nag fake marriage ang nakuha mula sa kanyang tahanan, at sinabi ng pulisya na si Nakamura ay isang fake marriage broker.
Magkakaroon ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang iba pang involve sa fake marriage.
Join the Conversation