11 taong gulang na lalaki, namatay matapos manbangga ng isang tren sa Prepektura ng Saitama

Sinabi ng dyaber ng tren na nakakita siya ng isang batang lalaki na nakatayo sa gilid ng riles habang papalapit ang tren sa istasyon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Japan ambulance

SAITAMA-
Isang 11-anyos na batang lalaki ang namatay matapos masagasaan ng express train sa Kawagoe, Saitama Prefecture, noong Sabado.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon. malapit sa Tsurugashima Station sa linya ng Tobu Tojo, Sa pag uulat ni Sankei Shimbun. Isang empleyado ng istasyon ang tumawag sa 110 at sinabing may nabangga ang isang tren.

Sinabi ng pulisya na sinabi sa kanila ng dyaber ng tren na nakakita siya ng isang batang lalaki na nakatayo sa gilid ng riles habang papalapit ang tren sa istasyon. Sinabi niya na inilapat niya ang emergency brake ngunit hindi ito tumigil sa oras.

Dinala ang bata sa ospital kung saan ito binawian ng buhay pagkalipas ng 2  kalahating oras. Wala namang naiulat na nasugatan sa tren.

Walang bakod o harang sa lugar kung saan nakatayo ang bata.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund