Ang mga pag-ulan ng snow sa hilagang Japan ay mas tumindi nitong Martes, dahil sa mga epekto ng malakas na pattern ng panahon sa taglamig at cold air mass.
Sinabi ng Meteorological Agency ng Japan na ang snow ay pangunahing bumabagsak sa baybayin ng Japan Sea. Sinasabi rin nito na ang mga nabuong snow cloud ay dumadaloy sa rehiyon ng Hokuriku, Niigata Prefecture at Hokkaido.
Noong 8 a.m., 43 sentimetro ng snow ang nakatambak sa Toyama City, 36 sentimetro ang naipon sa Kanazawa City, at 22 sentimetro ang naipon sa Fukui City.
Ang Hokuriku at Niigata ay inaasahang patuloy na makakakita ng pagdagsa ng nabuong mga ulap ng snow hanggang huli ng Martes ng hapon. Mas maraming snow ang maaaring maipon sa lupa sa maikling panahon, kahit na sa mga patag na lugar.
Join the Conversation