Hinuli ng police ang isang Pinoy dahil sa pagsira ng sasakyan na isang rental car at sa pagsagawa nito ng false report sa pulisya upang makaiwas sa pagbayad ng damage.
Noong ika 13 ng Pebrero, ang Gifu Prefectural Police Tajimi Station ay inaresto ang isang lalaki, 22-year-old na office worker in Minamioda-cho, Mizunami City, na isang Filipino national sa hinalang damage to property at false report.
Noong 5:30 pm ng Pebrero 11, ang sasakyan ay minamaneho ng kanyang Pilipinang asawa (22) at na damage ang side mirror at door handle sa passenger side ng sasakyan na isang inarkilahang sasakyan sa isang rental car company sa Miyukimachi, Toki City.
Ayon sa police, nakatanggap sila ng tawag sa 110 galing sa lalaki at ayon sa kanya “na-hit and run ang kanyang dinadalang sasakyan”. Na ipinalabas niya sa report na nagiisa siya at pagbalik niya ay may nakabangga sa kanyang sasakyan ngunit tumakas ang nakabangga.
Nag imbestiga ang mga police ngunit wala naman silang nakitang ebidensiya o marka na na-hit and run ang nasirang sasakyan. Kayang nag suspetsa ang mga police at lalo pang nag imbestiga.
At doon na nga nabuking ng pulisya ang totoong nangyari. Nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag asawa. Hinabol ng lalaki gamit ang kanyang sasakyan ang asawa nito na daladala ang rented car. Nang huminto ang dalawang sasakyan linapitan nito ang rented car at sinira mismo ng lalaki ang side mirror at door handle. Ang babae at 3 nitong kasama sa sasakyan ay agad na tumakas sa lugar ng insidente at iniwan ang sasakyan.
Sasampahan siya ng kaso ng false report at damage of property.
@Gifu Shinbun Web
Join the Conversation