Ang giant electronics maker na Panasonic ay nakatakdang magdagdag ng bagong kapasidad sa manufacturing sa plant nito sa kanlurang Japan upang maghanda para sa mass-production ng mga high-capacity na batteries para sa mga sasakyan ng Tesla.
Sinabi ng Chief Financial Officer ng Panasonic na si Umeda Hirokazu sa mga mamamahayag na ang linya ng produksyon ay itatayo sa pabrika ng mga batteries nito sa Wakayama prefecture.
Bumubuo ang kumpanya ng bagong lithium-ion cylindrical automotive na battery para sa maker ng electric car ng US na tinatawag na 4680.
Sinabi ni Umeda na ang Panasonic ay nakatanggap ng napaka-laking project mula sa Tesla at gagawing priyoridad ang paglipat sa mass production.
Sinabi ng Panasonic na ang 4680 ay may diameter na higit sa dalawang beses kaysa sa nauna nito at limang beses na mas maraming kapasidad.
Ang bagong batteries ay inaasahang magpapalawak nang husto sa driving range ng mga de-kuryenteng sasakyan at makakabawas ng mga gastos dahil mas kaunti ang kakailanganin energy.
Sinabi ni Umeda na ang budget para sa pagbuo ng linya at ang tiyempo para sa pagsisimula ng full-scale na produksyon ay hindi pa napagdesisyunan.
Join the Conversation