Mga serbisyo ng ambulansya sa Japan nahihirapan humanap ng mga ospital na tatanggap ng pasyente

Ang kaso ay nag-iinvolve nang mga emergency responders na mag-tanong sa apat o mahigit pang ospital bago pa mai-transport ang pasyente.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga serbisyo ng ambulansya sa Japan nahihirapan humanap ng mga ospital na tatanggap ng pasyente

Mayroon nang mahigit 6,000 na kaso nitong katapusan ng linggo ng February 20 kung saan nahihirapan amg mga ambulance crew sa Japan na maka-hanap ng ospital na mapag-dadalhan ng mga pasyente.

Ang pigura kada linggo ay nag-mamarka ng tala sa loob ng anim na sunod-sunod na linggo.

Sinabi ng Fire and Disaster Management Agency na ang bilang nang tinatawag nilang “difficult transport cases” kada linggo ay ini-ulat ng 52 fire department headquarters sa buong bansa. Ang kaso ay nag-iinvolve nang mga emergency responders na mag-tanong sa apat o mahigit pang ospital bago pa mai-transport ang pasyente.

Ayon sa ahensya, mayroong 6,064 na kaso sa buong linggo, na siyang lumalagpas sa nakaraang tala na 5,740 na kaso nuong nakaraang linggo.

Ang coronavirus infections ay suspetsa sa halos tatlong bahagi ng mga kaso.

Ang Tokyo ang nasa unahan ng listahan na mayroong 2,849 na kaso, na sinundan naman ng lungsod ng Osaka sa 557 na kaso.

Ang bilang ng mga kaso ay sobra ang taas kumpara sa pigura nang parehong period nuong taong 2020, bago mag-simula ang pandemiyang sanhi ng coronavirus. Ang tally ay 7.9 na mas mataas sa Tokyo at 2.9 na mas mataas sa Osaka.

Ayon sa mga opisyal ng ahensya, dahan-dahan namang bumababa ang bilang ng mga bagong impeksyon, ngunit ito ay bumabagal dahil sa kakulangan ng mga higaan sa mga ospital.

Idinagdag rin ng mga opisyal na patuloy nilang imo-monitor ang sitwasyon dahil ang bilang ng hirap sa pag-transport ng pasyente ay nananatiling mataas.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund