Mga Japanese company nag-sanib pwersa upang mabawasan ang plastic waste

Ayon kay WWF Japan CEO Todai Sadayoshi, ang polusyon na sanhi ng plastik ay isang malaking panganib sa kalikasan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga Japanese company nag-sanib pwersa upang mabawasan ang plastic waste

Ang conservation NGO at 10 malalaking kumpanya sa Japan ay planong makipag-tulungan upang gumawa ng hakbang na mabawasan ang mga plastic wastes.

Iminungkahi ng WWF Japan ang nasabing proyekto bilang parte ng pag-sisikqp nitong matuunan ng pansin ang plastic pollution. Ang ilang partisipante sa nasabing proyekto ay mga beverages at consumer goods maker.

Ang 10 kumpanya ay mag-tutulungan, na tinatarget ang taong 2025, na alisin ang mga hindi kailangang pag-gamit ng single-use plastics at palitan ito ng ibang alternatibong materyales at mag-set ng metikulosong hangarin para sa pag-gamit ng mga recycled materials.

Ang beverage firm na Suntory ay nag-sabi na plano nitong itaas ang proporsyon ng recycled o plant-based materials sa lahat ng plastik na bote nilang produkto nang mahigit ng 50 porsyento sa bigat mula ngayong taon, hanggang sa ito ay maka-abot na sa 100 porsyento.

Ang kumpanyang Unilever sa Japan ay nag-sabi na kinukunsidera nila ang pag-benta ng shampoo sa pamamagitan ng timbang upang makabawas ng kaunti sa packaging.

Aabot ng mahigit 8 milyong tonelada ng plastic waste ang ini-estimang dumadaloy sa karagatan ng buong mundo kada taon. Ang isyu ay masasali sa agenda ng UN Environment Assembly meeting na mag-sisimula sa katapusan nitong buwan.

Ayon kay WWF Japan CEO Todai Sadayoshi, ang polusyon na sanhi ng plastik ay isang malaking panganib sa kalikasan, at ang kanyang organisasyon ay ipo-promote ang pangunguna sa pag-kilos upang ma-prevent o maiwasan ang namamataang krisis.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund