Malubhang kaso ng COVID sa Japan ng mga taong nag-eedad ng 40 hanggang 50, dumarami

Sinabi ni Morioka na importante na magkakuha ng vaccine booster shots at patuloy na gawin ang mga hakbang para maka-iwas sa pagkaka-hawa at pag-papalaganap ng virus. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMalubhang kaso ng COVID sa Japan ng mga taong nag-eedad ng 40 hanggang 50, dumarami

Mahigit 60,000 na bagong kaso ng impeksyon ang ini-ulat sa buong bansa nitong Huwebes. Maraming kaso ang naitatala. Ngunit nangangamba ang mga doktor sa pag-taas ng kaso nang malubhang sintomas sa mga middle aged individuals.

Nag-ulat ang Tokyo ng mahigit 10,000 bagong kaso ng impeksyon.

Ito ay aabot ng 7,700 pag-baba mula sa kaparehong araw nuong nakaraang linggo. Ngunit nag-pahayag ng babala ang punong ministro ng kalusugan.

Ayon kay Health Minister Goto Shigeyuki, “maaaring magawaan pa ng paraaan ang serbisyong medikal para sa mga kaso ng mild hanggang moderate na impeksyon. Ang pangangailangan ng mga available na kama sa mga ospital ay patuloy na tumataas.”

Ang bilang ng mga pasyenteng nasa malubhang kondisyon sa buong bansa ay nasa mahigit 1,500.

Ayon pa sa isang eksperto, pataas nang pataas ang mga bilang ng mga taong nasa malubha nang kondisyon bago pa man madala sa ospital.

Idinagdag rin ni Dr. Morioka Shinichiro ng National Center for Global Health and Medicine na parami ng parami ang mga malulubhang kaso sa mga middle aged individuals o nag eedad na 40s hanggang 50s.

Sinabi rin niya na, “Kasalukuyan naman nakikita ang pag-dami ng malubhang kaso, ngunit pinaniniwalaan namin na hindi pa ito ang pinakarurok.”

Sinabi ni Morioka na importante na magkakuha ng vaccine booster shots at patuloy na gawin ang mga hakbang para maka-iwas sa pagkaka-hawa at pag-papalaganap ng virus.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund