OSAKA- Inaresto ng mga pulis sa Osaka ang isang 26-anyos na Australian na lalaki dahil sa hinalang pagnanakaw ng 740,000 yen sa isang supermarket sa Osaka nitong unang linggo ng buwan.
Ayon sa pulisya, dakong alas-10:40 ng gabi nangyari ang pagnanakaw. noong Pebrero 4 sa Life Corp Central Square supermarket sa Yodogawa Ward, iniulat ng Sankei Shimbun. Gamit ang wikang Japanese, binantaan ng suspek ang isang 21-anyos na part-time na lalaking empleyado sa first-floor service counter gamit ang kutsilyo at nanghingi ng pera. Tumakas siya sa tindahan na may 740,000 yen sa isang bag. Walang naiulat na nasaktan.
Ang suspek, na nakatira sa Sapporo, sinabi ng pulisya na ito ay tumanggi na sumagot sa anumang mga katanungan hanggang sa makipag-usap siya sa isang abogado, idinagdag pa nito na siya ay nakilala pagkatapos ng pagsusuri sa footage ng surveillance camera sa tindahan.Noong panahong iyon, nakatira siya sa isang apartment mga dalawang kilometro ang layo mula sa supermarket ngunit pagkatapos ng pagnanakaw, lumipat siya sa Sapporo.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation