OSAKA
– ini-imbestigahan ng Osaka Prefectural Police ang pagka-matay ng isang 54 anyos na ginang na natagpuang wala nang buhay sa kanyang bathtub nuong nakaraang Hulyo, dahil napag-alaman nila ba ang ginang ay may ¥150 milyong life insurance policy ito.
Ang ginang na kinilalang si, Naoko Takai, ay natagpuang patay sa loob ng bathtub, at may mahigpit na taling bandages sa kanyang kanang kamay, bandang alas-11 ng umaga nuong nakaraang ika-26 ng Hulyo sa loob mismo ng kanyang tahanan sa Takatsuki City, Osaka Prefecture, ayon sa ulat ng Sankei Shimbun. Si Takai, isang company employee ay naninirahang mag-isa ay huling nakita sa kanyang opisina nuong ika-21 ng Hulyo, bago pa man magkaroon ng mahabang bakasyon dulot ng Tokyo Olympics. Siya ay inaasahang muling mag-balik sa trabaho nuong July 26.
Nang hindi pumasok sa trabaho ang ginang, tumawag ang boss ni Takai sa isang kamag-anak nito at saka binisita ang ginang sa kanyang tahanan kung saan siya natagpuan. Ayon sa mga pulis, wala namang karamdamang pinagagamot ang ginang, at wala ring natagpuang ebidensya ng droga o alak sa kanyang sistema. May nakitang pressure marks sa kanyang kaliwang kamay na nagsasabing maaaring naka-tali ang dalawang kamay niya, ayon sa mga pulisya. Ayon sa awtopsiya, ang ginang ay tinatantiyang nalunod bandang July 23.
Sinabi pa ng mga pulis na ang life insurance policy payout beneficiary ay ang ampon na lalaki ni Takai, na nasa kanyang 20’s at hindi niya kasamang naninirahan sa kanyang tahanan. Kasalukuyang kinikwestiyon ang lalaki ng mga pulis sa isang voluntary basis.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation