Share
TOKYO –Nagkakaroon ng problema ang mga customer ng Japanese mobile phone giant na NTT Docomo Inc. sa pag-access sa internet sa kanilang mga device ngayong Pebrero 1, inihayag ng kumpanya.
Nagsimula ang pagkagambala sa bandang 8 a.m., at kasalukuyang nagpapatuloy. Sinabi ng kompanya na nagsusumikap itong hanapin ang dahilan at muling maibalik ang buong serbisyo.
(Mainichi)
Join the Conversation