Nagtipon ang mga tao kabilang ang mga Ukrainians at Russian na naninirahan sa Japan sa harap ng istasyon ng Shibuya ng central Tokyo noong Linggo upang iprotesta ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Sinabi ng mga organizer na humigit-kumulang 1,000 katao ang nakibahagi sa protesta bilang tugon sa mga tawag sa social media.
Hawak ng mga kalahok ang mga placard na may nakasulat na “Stop Putin” at “Bring peace to Ukraine” sa Japanese at English.
Isang Ukrainian na babae ang nagsabi, “Ang nangyayari sa Ukraine ay hindi inaasahan tatlong araw lamang ang nakalipas. Ang aking pamilya at mga kaibigan sa Ukraine ay nababalisa. Gusto kong gawin ng mga tao sa Japan ang lahat ng kanilang makakaya na makatulong sa panawagan na matigil ang digmaan.”
Isang Japanese na babae na lumahok sa rally kasama ang kanyang asawa at mga anak ang nagsabi na sa palagay niya ay mahalagang ihatid ang mga mensahe na ang mga tao sa buong mundo ay nananalangin para sa kapayapaan na bumalik sa Ukraine sa lalong madaling panahon.
Join the Conversation