Wild monkey nage-enjoy sa paliligo sa ‘hell valley’ hot spring ng Nagano Pref.

Ang Jigokudani Yaen-koen Wild Snow Monkey Park ay kilala bilang isang site kung saan ang mga snow monkey ay naliligo sa hot spring. #PortalJapan see more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspWild monkey nage-enjoy sa paliligo sa 'hell valley' hot spring ng Nagano Pref.

Ang Jigokudani Yaen-koen Wild Snow Monkey Park ay kilala bilang isang site kung saan ang mga snow monkey ay naliligo sa hot spring. Ang salitang “jigokudani” na ang ibig sabihin ay “hell valley” at nakuha ng lugar ang palayaw na ito dahil sa matarik na bangin at mausok na hot spring.

Mahigit 10 sa mga unggoy ang nakitang nagrerelax habang nakapikit ang kanilang mga mata o nagdidikitan at pinpaluguan ang isa’t isa sa open-air bath na napapalibutan ng snow.

Ang pagligo ay nakakatulong sa mga unggoy na makaligtas sa matinding lamig. Ayon sa parke, karaniwang hindi gusto ng mga unggoy ang tubig, ngunit humigit-kumulang 50 sa mga kawan ng humigit-kumulang 160 macaque na naninirahan sa lugar ay naliligo upang manatiling mainit ang katawan. Karamihan sa kanila ay mga babae o mga batang unggoy.

Ang eksena ay naging sikat sa mga turista mula sa loob at labas ng Japan, ngunit ang bilang ng mga bisita sa parke ay bumaba sa gitna ng pagkalat ng mga impeksyon sa coronavirus.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund