TOKYO — Ang sikat na snack ng Japan na “Umaibo,” na literal na nangangahulugang “masarap na stick”, ay tataas ang presyo sa unang pagkakataon sa kasaysayan nito, ibinunyag ng maker nito noong Enero 24.
Ang Yaokin Co., na nakabase sa Sumida Ward Tokyo, ay nagsabi na ang pangunahing produkto nito ay tataas mula sa retail na presyo na 10 yen magiging 12 yen + tax mula sa kanilang April shipments.
Ayon sa kumpanya, ang pagtaas ay dahil nagmahal ang presyo ng mais mula sa U.S., mga plant oil, mga materyales sa packaging at mga gastos sa pagpapadala, bukod sa iba pang mga kadahilanan.
Ang Umaibo ay stick na corn puff na may iba’t ibang lasa kabilang ang corn potage, keso, at mentai spicy cod roe. Ang mga ito ay napakapopular sa mga kabataan. Humigit-kumulang 700 milyon ng mga stick ang ibinebenta taun-taon.
(Japanese original ni Hiroki Masuda, Digital News Center)
Join the Conversation