Lalaki arestado sa pagpatay ng kanyang mother-in-law

Inaresto ng Ibaraki Prefectural Police ang isang 25-anyos na lalaki dahil sa pagpatay matapos nitong saksakin ang kanyang 57-anyos na biyenan sa bahay nito sa Kasama City. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki arestado sa pagpatay ng kanyang mother-in-law

IBARAKI

Inaresto ng Ibaraki Prefectural Police ang isang 25-anyos na lalaki dahil sa pagpatay matapos nitong saksakin ang kanyang 57-anyos na biyenan sa bahay nito sa Kasama City.

Ayon sa pulisya, si Tomoko Kotani ay sinaksak sa leeg at mukha sa hardin ng kanyang tahanan bandang tanghali noong Lunes, iniulat ng Fuji TV. Isang kutsilyong may bahid ng dugo ang naiwan sa hardin. Ang kanyang anak na babae ay tumawag sa 110 at si Kotani ay isinugod sa ospital kung saan siya ay idineklara na dead on arrival.

Ang asawa ng anak na babae, si Daichi Kodama, isang empleyado ng kumpanya na nakatira ng bukod sa kanyang asawa sa Kashiwa, Chiba Prefecture, ay unang tumakas sa lugar ngunit dinala sa kustodiya bandang 6:30 p.m. Lunes habang naglalakad sa isang kalye sa Kasama City.

Sinabi ng pulisya na inamin ni Kodama ang pananaksak sa kanyang biyenan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito nagbigay ng kanyang motibo sa pagpatay.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund