Isang pamilya Pilipino, naka-tanggap ng isang liham ng pasasalamat

"Pumunta ako sa gusali na nasa-isip kong kailangan kong tulungan ang mga naninirahan duon. Nakakahiya naman na kami ay binigyan ng papuri sa ganitong paraan."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang pamilya Pilipino, naka-tanggap ng isang liham ng pasasalamat

Noong unang bahagi ng buwang ito, nang sumiklab ang sunog sa isang housing complex sa Toyohashi City, Aichi Prefecture, isang pamilyang Pilipino na nakatira sa housing complex na ito ang nakatanggap ng liham ng pasasalamat mula sa kagawaran ng bumbero dahil sa pag-tawag at pag-uulat sa departamento upang maiwasan ang malaking pinsala at pag-papalikas sa mga tao.

Ang liham ng pasasalamat ay ibinigay sa Pilipinong si Yambao Jason Galang, na nakatira sa prefectural housing complex ng lungsod, at anim na miyembro ng pamilya nito, kabilang ang kanyang asawa at anak na babae.

Pagkalipas ng 1:30 am noong ika-5 ng buwang ito, nasaksihan ni Jason ang isang sunog na lumabas mula sa isang silid sa susunod na gusali nang siya ay pauwi.

Agad kong sinabihan ang aking pamilya na tumawag ng bumbero at ito ay agad na tumungo sa nasusunog na gusali dala ang na pamatay ng apoy.

Habang nasa daan, kumatok siya sa pinto ng apartment complex at nanawagan sa mga residente na lumikas.

Karagdagan pa, isang matandang mag-asawang Hapones na nakatira sa itaas na palapag ng silid  mula sa pinag-mulan ng apoy, iniligtas ni Jason ang kanyang pilay nitong asawa at sumunod na lumikas sa kanyang likuran.

Natupok ng apoy ang silid sa pinagmulan ng apoy, ngunit walang nasugatan.

Sa seremonya habang ibibigay ang liham ng pasasalamat, si Hirokazu Koshimizu, ang hepe ng Toyohashi City Fire Department, ay pinuri ang “Nakipagtulungan sila sa amin sa pagtuklas at pag-uulat ng mga tagubilin at pagliligtas.”

Sinabi ni Jason, “Pumunta ako sa gusali na nasa-isip kong kailangan kong tulungan ang mga naninirahan duon. Nakakahiya naman na kami ay binigyan ng papuri sa ganitong paraan.”

Source and Image: NHK News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund