Isang lalaki ang inaresto sa tangkang pag-nanakaw sa isang internet shop

Ang babae ay nag-activate ng silent security alarm at ang mga pulis ay sumugod sa pinangyarihan at dinakip si Hasegawa bago siya makaalis.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

TOKYO-
Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang 29-anyos na lalaking walang trabaho dahil sa hinalang pagtatangkang pagnakawan ang isang internet cafe kung saan siya nagpalipas ng gabi noong Enero 1.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa isang internet cafe sa Chiyoda Ward, iniulat ito ng Fuji TV.Sinabi ng pulisya na matapos magpalipas noong Sabado ng gabi sa cafe, binantaan ni Ren Hasegawa ang isang empleyado, isang babae na nasa edad na 40, gamit ang kutsilyo bandang 8:30 ng umaga noong Linggo, at humingi ito ng pera.

Ang babae ay nag-activate ng silent security alarm at ang mga pulis ay sumugod sa pinangyarihan at dinakip si Hasegawa bago siya makaalis. Wala namang nasugatan sa insidente.

Kinausap ng pulisya si Hasegawa at nagsabi ito na siya ay desperado para sa pera.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund