Share
Ang pangunahing Japanese delivery firm na Yamato Holdings ay nagpasya na maglunsad ng sarili nitong mga cargo flight upang mapunan ang kakulangan ng mga long-haul driver.
Plano ng Yamato na umarkila ng tatlong sasakyang panghimpapawid na patakbuhin ng grupo ng Japan Airlines. Ang mga cargo flight ay mag-uugnay sa limang domestic airport, kabilang ang Haneda at Narita ng Tokyo.
Nakatakda ang unang cargo sa 2024, kapag ang overtime ng trabaho para sa mga driver ng truck ay lilimitahan sa 960 oras bawat taon. Inaasahan na magpapalala ito sa mga kakulangan sa mangagawa sa mga kumpanya ng delivery.
Join the Conversation