Share
Sinabi ng Imperial Household Agency ng Japan na kinansela nito ang pampublikong pagbati ni Emperor Naruhito sa kanyang kaarawan sa Pebrero 23 upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
Ang pagkansela ay ikatlong beses simula nang umakyat ang Emperador sa trono.
Sinabi ng ahensya na itinigil nito ang event matapos isaalang-alang na makakaakit ito ng malaking bilang ng mga bisita ngayong malamig na panahon.
Ang mga pampublikong pagbati ay ginaganap sa Imperial Palace sa kaarawan ng Emperador at sa Enero 2 bawat taon.
Ang taunang pagbati ng Bagong Taon ng pamilya Imperial ay kinansela din sa ikalawang magkasunod na pagkakataon ngayong taon.
Join the Conversation