Isang babae ang nahulog mula sa kanyang bintana dahil tinitignan nito ang tao na nahulog mula sa rooftop ng mismong building. Pagkahulog ng babae ay natamaan niya ang isang lalaki na nakatingin din mula sa bintana sa ibabang floor at nabagsakan niya ang isa pang lalaki na nakatayo naman sa ibaba ng building na nakikiusisa din sa insidente.
Ang paligid ng isang gusali sa downtown Yokohama ay biglang naging danger zone nang dahil sa kakaibang chain reaction ng mga nahulog na kung saan apat na tao ang involved.
Nagsimula ang insidente pagkalipas ng alas-4 ng hapon. noong Biyernes, nang makatanggap ng tawag ang pulisya na isang lalaking nasa edad 40 o 50 ang nahulog mula sa rooftop ng 5 story building at naipit ang katawan sa pagitan ng mga pader ng building.
Matapos ang unang pagkahulog, isang babae na nasa edad 40 ang tumingin sa bintana sa ikatlong palapag ng parehong gusali upang makita kung ano ang nangyari. Gayunpaman, sa paggawa nito, nawalan siya ng balanse at nahulog din siya. Kasabay nito, ang isa pang lalaki na nakatingin din sa bintana sa ikalawang palapag upang makita kung ano ang nangyari ay natamaan ng babae.
At ang babaeng nahulog sa bintana sa ikatlong palapag ay tumama naman sa ulo ng isa pang lalaki na nasa edad 30, habang nakatayo naman ito sa ibaba ng gusali upang makitingin din kung ano ang nangyayari.
Namatay ang lalaking unang nahulog sa rooftop at ligtas naman ang 3 na iba pang involve maliban sa natamong mga galos at bali sa katawan.
Join the Conversation