Tokyo lawyers nangangalap ng mga impormasyon tungkol sa pagtrato ng mga police sa mga foreigners

Ang Tokyo Bar Association ay magsisimulang tingnan ang mga pangyayari kung saan ang mga taong may dugong banyaga ay hinarang sa daan at tinanong ng Japanese police kasunod ng mga alegasyon ng racial profiling, sinabi ng isang abogado na kabilang sa grupo noong Lunes. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspTokyo lawyers nangangalap ng mga impormasyon tungkol sa pagtrato ng mga police sa mga foreigners

TOKYO (Kyodo) — Ang Tokyo Bar Association ay magsisimulang tingnan ang mga pangyayari kung saan ang mga taong may dugong banyaga ay hinarang sa daan at tinanong ng Japanese police kasunod ng mga alegasyon ng racial profiling, sinabi ng isang abogado na kabilang sa grupo noong Lunes.

“Mayroon kaming magandang dahilan upang maniwala na ang mga opisyal ng pulisya ay madalas na hinaharang at tinatanong ang mga taong dayuhan,” sabi ni Junko Hayashi sa Foreign Correspondents’ Club of Japan. “Kailangan namin ng mas matibay na data tungkol sa isyung ito.” Magsisimula ang survey sa Enero 11.

Noong unang bahagi ng buwang ito, sinabi ng US Embassy sa Tokyo sa opisyal na Twitter account nito na nakatanggap ito ng mga ulat ng “pinaghihinalaang mga insidente ng pag-profile sa mga tao base sa race” na may ilang dayuhan na “na-detain, tinanong, o hina-harass” ng pulisya.

Nang tanungin tungkol sa mensahe, sinabi ni Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno sa isang press conference noong Disyembre 6 na ang mga Japanese police ay lumalapit sa mga kahina-hinalang tao alinsunod sa batas, tulad ng kapag sila ay may makatwirang batayan upang maghinala na ang isang tao ay nakagawa ng isang krimen, at ang pagtatanong ay hindi isinasagawa  batay sa lahi o nasyonalidad.

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund