Nalaman ng NHK na ang isang lalaking pinaghihinalaang nagpasimula ng nakamamatay na sunog sa isang klinika sa Osaka City, kanlurang Japan, ay lumilitaw na humarang sa labasan nito upang pigilan ang mga tao na makatakas.
Sinabi ng pulisya na si Tanimoto Morio ay pinaghihinalaang nagsunog sa klinika sa ikaapat na palapag ng isang walong palapag na gusali noong Biyernes. Dalawampu’t apat na tao ang namatay.
Sinabi ng pulisya na iniimbestigahan nila ang 61-anyos na lalaki sa hinalang nagsimula ng sunog ngunit hindi pa humingi ng warrant of arrest dahil nananatili itong nasa malubhang kondisyon sa isang ospital.
Ayon sa mga imbestigador, makikita sa footage ng security camera ang lalaking naglalagay ng paper bag sa sahig ng klinika bago ito sinipa. Ang likidong tumagas mula sa bag ay nagliyab.
Idinagdag ng mga imbestigador na makikita rin sa video ang lalaki na nakatayo sa labasan habang nakaunat ang mga braso matapos magsimula ang apoy.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation