Sunog sa 9 na building sa Tokyo hinalang dahil sa arson attack

Nasunog ang siyam na gusali sa Koto Ward ng kabisera bago mag madaling araw noong Disyembre 6 matapos ang hinihinalang kaso ng panununog sa isang bahay, na nag-iwan ng isang lalaki sugatan. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSunog sa 9 na building sa Tokyo hinalang dahil sa arson attack

TOKYO — Nasunog ang siyam na gusali sa Koto Ward ng kabisera bago mag madaling araw noong Disyembre 6 matapos ang hinihinalang kaso ng panununog sa isang bahay, na nag-iwan ng isang lalaki sugatan.

Ang lokal na kagawaran ng bumbero ay nakatanggap ng isang emergency call bandang 4 a.m. na nagsasabing may sunog sa isang bahay sa distrito ng Ojima ng ward. Nakontrol ang sunog makalipas ang dalawang oras at kalahati matapos masunog ang tatlong gusali kabilang ang wooden house na may dalawang palapag na bahay, kung saan pinaniniwalaang nagsimula ang apoy, at bahagyang nasunog ang anim na iba pang istruktura kabilang ang mga pribadong tirahan.

Ayon sa kagawaran ng bumbero, isang lalaki na nakatira sa isa sa mga bahay ang dinala sa ospital matapos makalanghap ng usok, ngunit ang kanyang mga sugat ay mild lamang.

Ayon sa Joto Police Station ng Metropolitan Police Department, isang lalaking nasa edad 50 na pinaniniwalaang residente ng isa sa mga nasunog na bahay, ang iniulat na nagsabing siya ang nagsimula ng sunog, at kinukuwestiyon siya ng mga pulis. Ang eksena ay matatagpuan sa isang residential area malapit sa Higashi-ojima Station sa Toei Shinjuku Line.

(Japanese original ni Seiho Akimaru, Tokyo City News Department)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund