Ang pambansang census ng Japan ay nagpapakita na ang populasyon ng bansa ay patuloy na lumiliit, na nagrerehistro ng pagbagsak ng 0.7 porsiyento sa loob ng limang taon hanggang taong 2020.
Inilabas ng internal affairs ministry ang mga natuklasan ng 2020 census noong Martes.
Ang mga resulta ay nagpapakita na ang populasyon ng bansa ay nasa 126,146,099 noong Oktubre 1 noong nakaraang taon. Bumaba ang bilang ng 948,646 mula sa survey noong 2015, na nagtala ng unang pagbaba mula nang magsimula ang census noong 1920.
Ipinapakita rin ng census na ang Japan ay mayroong 61,349,581 na lalaki, habang mayroon itong 64,796,518 n kababaihan.
Sa kabuuang populasyon, ang bilang ng mga Japanese national ay bumaba ng 1.4 porsyento mula sa nakaraang survey, habang ang bilang ng mga dayuhang residente ay tumama sa pinakamataas na rekord, na tumaas ng 43.6 porsyento sa limang taon.
Ang bilang ng mga taong may edad na 65 o mas matanda ay nasa 36,026,632. Ang mga ito ay 28.6 porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa.
Join the Conversation