Pinangangambahang 27 ang nasawi sa Osaka building fire.

Dalawampu't pitong tao ang pinangangambahang patay matapos sumiklab ang sunog sa isang gusali sa Osaka noong Biyernes, sabi ng mga bumbero na ayon sa imbestigasyon ay nagsasaad na isang arsonist ang responsable. #PortalJapan see more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

OSAKA (Kyodo) — Dalawampu’t pitong tao ang pinangangambahang patay matapos sumiklab ang sunog sa isang gusali sa Osaka noong Biyernes, sabi ng mga bumbero na ayon sa imbestigasyon ay nagsasaad na isang arsonist ang responsable.

Nakatanggap ang lokal na departamento ng bumbero ng report bandang 10:20 ng umaga na nagsimula ang sunog sa ikaapat na palapag ng walong palapag na multitenant na gusali na matatagpuan malapit sa JR Osaka Station. May kabuuang 28 katao ang nasugatan kabilang ang 27 na walang nakitang vital signs.

Ang apoy ay napatay bandang 10:45 ng umaga matapos na masunog sa isang lugar na humigit-kumulang 20 square meters, sinabi ng kagawaran ng bumbero.

Nagsimula ang apoy sa isang medical clinic sa ikaapat na palapag. Sinasabi ng website ng klinika na nagbibigay ito ng mga psychosomatic at psychiatric treatments

Sinabi ng mga investigative sources na mayroong ulat na isang “lalaki ang nagsindi ng apoy” sa gusali sa Kita Ward sa kanlurang lungsod ng Japan. Mula sa ikaapat na palapag ng gusali, inilabas ang 17 lalaki at 10 babae, na pawang walang palatandaan ng buhay, ayon sa mga bumbero.

Nabatid din sa pulisya na nagsimula ang apoy mula sa likidong mula sa isang paper bag na hawak ng isang lalaki na nasa edad 60, ayon sa mga sources.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund