Mahigit 480,000 katao ang napilitang lumikas dalawang araw matapos ang malakas na bagyong tumama sa gitnang Pilipinas, na nagdulot ng malawakang pagkasira at pagbabaha.
Sinabi ng national disaster agency na hindi bababa sa 31 katao ang nasawi nang tamaan ng Bagyong Rai ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa bansa, ang Cebu, noong Biyernes.
Inilabas ng militar ang aerial footage ng Siargao Island na nagpapakita ng lawak ng pinsala.
Humigit-kumulang 3,700 bahay ang nawasak o binaha.
Sinabi ng militar na maaaring tumaas ang bilang ng mga nasawi at ang bilang ng mga nasirang bahay dahil mayroong higit sa 20 munisipalidad na hindi pa nakontak ng militar, kabilang ang mga nasa malalayong isla.
Ang gobyerno ay nagpaplano na magpadala ng mga sasakyang panghimpapawid ng militar sa mga islang iyon upang iligtas ang mga taong naghihintay sa mga bubong ng mga gusali at tahanan, at upang magbigay ng suporta para sa mga evacuees.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation