Habang tumatagal ang variant ng Omicron sa buong mundo, pinatibay ng Japan ang sistemang medikal nito upang labanan ang posibleng susunod na hudyat ng pandemya.
Sinabi ng Health Ministry na ang mga ospital ay may kapasidad na magpapasok ng 37,000 mga pasyente ng COVID sa buong bansa. Mahigit 10,000 iyon kumpara dati.
Maraming mga pasyente ng COVID ang hindi naospital sa panahon ng mga impeksyon noong nakaraan dahil sa matinding kakulangan ng mga kama. At halos 68 porsyento lamang ng mga kama sa ospital para sa mga pasyente ng COVID ang aktwal na okupado dahil sa kakulangan ng mga manggagawa sa frontline.
Nagsusumikap ang Ministri na makuha iyon ng hanggang 82 porsyento.
Plano nitong magkaroon ng mga medikal na manggagawa na nakahanda na maaaring ipadala sa mga ospital na nakakaranas ng kakulangan na mga mangagawa.
Nagawa ng Kawakita General Hospital sa Tokyo na mapataas ang bilang ng mga higaan para sa mga pasyente ng coronavirus. Ngunit may isang downside. Sinabi ni Okai Takahiro, Deputy Director ng ospital, “Dahil nagse-secure kami ng mga kama para sa mga pasyente ng coronavirus, makakaapekto ito sa aming kakayahang magbigay ng pangangalaga sa ibang mga pasyente.”
Pinapalakas din ng mga awtoridad ang mga pagsisikap sa pagbabakuna.
Sinabi ng ministrong pangkalusugan ng Japan na umaasa siyang magagamit ang mga booster shot nang mas maaga. Ang kasalukuyang pagitan ay walong buwan sa pangkalahatan. Sa ngayon ay inaprubahan lamang ng gobyerno ang Pfizer vaccine para sa mga booster shot.
Ang Health Ministry ay nagpaplano na magpasya na kung maaari sa ika-15 ng Disyembre kung aaprubahan din ang bakuna ng Moderna.
Noong Martes, kinumpirma ng mga awtoridad sa kalusugan sa buong Japan ang 115 bagong kaso ng coronavirus at 2 pang binawian ng buhay.
Iniulat din ng Tokyo ang 19 katao na may bagong impeksyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation