Japan, nag-alok ng 100 milyong dolyares na tulong para sa Afghanistan

Gagamitin ang tulong sa pagbibigay ng pagkain at tubig, gayundin para makatulong na mapabuti ang kondisyong medikal.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan, nag-alok ng 100 milyong dolyares na tulong para sa Afghanistan

Nagpasya ang gobyerno ng Japan na mag-alok ng bagong tulong sa Afghanistan na nagkakahalaga ng humigit kumulang 100 milyong dolyar.

Mahigit apat na buwan matapos kontrolin ng Taliban Islamist group ang bansa, ang ekonomiya ay nasa kaguluhan. Animnapung porsyento ng populasyon ang walang sapat na pagkain. Ang mga Afghan ay nahaharap din sa tagtuyot, kahirapan at mga epekto ng pandemya ng COVID-19.

Ang nakaplanong tulong ay bahagi ng karagdagang badyet na pinagtibay noong Lunes.

Gagamitin ang tulong sa pagbibigay ng pagkain at tubig, gayundin para makatulong na mapabuti ang kondisyong medikal at kalinisan sa pamamagitan ng 16 na internasyonal na organisasyon kabilang ang UN World Food Program at UNICEF.

Ito ang ikalawang probisyon ng Japan ng tulong sa Afghanistan mula nang kunin ng Taliban, kasunod ng emergency grant aid na humigit-kumulang 58 milyong dolyar na inihayag noong Oktubre.

Sinabi ng mga opisyal ng gobyerno na patuloy na susuportahan ng Japan ang mga mamamayang Afghan, at aktibong magsisikap na magdala ng katatagan sa bansa at sa nakapaligid na rehiyon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund