Nagpasya ang gobyerno ng Japan na suspindihin ang muling pagpasok ng lahat ng turista mula sa 10 bansa sa Africa, kabilang ang mga may residential status, habang kumakalat sa buong mundo ang variant ng Omicron ng coronavirus.
Kabilang naman sa 10 bansa ang South Africa, Angola, Zambia, Zimbabwe at Namibia. Mag sisimula ang pagbabawal sa Huwebes.
Ang hakbang ay kasunod ng pagbabawal ng Japan sa mga bagong entry, sa prinsipyo, sa mga hindi residenteng dayuhan sa buong mundo mula Martes.
Idinagdag pa ang Sweden, Spain, Nigeria at Portugal sa listahan ng mga lugar kung saan dapat mag-quarantine ang mga Japanese national at iba pa sa mga itinalagang lokasyon sa loob ng tatlong araw pagkadating.
Kasama na sa listahan ang 48 na bansa at rehiyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation