Japan, kinumpirma ang ikalawang kaso ng Omicron variant sa bansa

Hinihiling ng transport ministry sa mga airline na ihinto ang pagtanggap ng mga reserbasyon para sa lahat ng mga international flight papuntang Japan hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan, kinumpirma ang ikalawang kaso ng Omicron variant sa bansa

Kinumpirma ng gobyerno ng Japan ang pangalawang kaso ng Omicron coronavirus variant sa bansa. Mula nang makilala ito sa South Africa, ang strain ay nakumpirma na, at ito ay hindi bababa sa 25 bansa at rehiyon sa buong mundo.

Isang lalaki ang nasa edad na 20 na mula Peru ang kumpirmadong nahawaan ng variant pagkarating sa Narita Airport malapit sa Tokyo noong Sabado.

Nagpositibo siya sa coronavirus sa airport palang.
Siya ay nasa quarantine mula nang ipadala ang kanyang sample para sa karagdagang pagsusuri.

Sinabi ng mga opisyal ng health ministry na nakatanggap siya ng pangalawang dosis ng Pfizer vaccine noong Oktubre. Ang lalaki ay nagtungo sa Japan sa pamamagitan ng Doha sa Qatar.

Sinusuri ng mga opisyal ang kalagayan ng lahat ng 114 na tao na nasa parehong eroplano.

Hinihigpitan ng Japan ang pag kontrol nito bilang tugon sa pandaigdigang pagkalat ng Omicron.

Hinihiling ng transport ministry sa mga airline na ihinto ang pagtanggap ng mga reserbasyon para sa lahat ng mga international flight papuntang Japan hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Hindi kakanselahin ang mga reservation na nagawa na, ngunit kahit ang mga Japanese national na kasalukuyang nasa ibang bansa ay hindi makakapag-book ng mga bagong flight papuntang Japan.

Sinabi ng ministeryo na maaari nitong suriin ang kahilingan nito depende sa sitwasyon ng coronavirus.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund