UTSUNOMIYA — Isang tao ang nasugatan matapos rumagasa papaloob ang isang kei car sa isang McDonald’s restaurant sa Utsunomiya Tochigi Prefecture, bandang 11:30 ng umaga noong Disyembre 13
Isang part-time na empleyado, 39, sa McDonald’s Utsunomiya Kamitomatsuri branch na nasa kanyang breaktime ay nagtamo ng mga minor injuries.
Ayon sa Utsunomiya Chuo Police Station, ang driver ng kotse ay isang 59 taong gulang na empleyado ng kumpanya mula sa lungsod ng Nikko Tochigi Prefecture. Sinusubukan umano niyang pumarada sa isang family restaurant sa tabi ng McDonald’s outlet nang nagkamali siya ng pagpali ng gear ng sasakyan at nabangga sa fast-food restaurant.
Sinabi niya sa police, “Nais ko sanang mag parking paatras habang tinitingnan ang parking space sa likod ko, pero di ko pala napalitan ang gear sa park at dumirecho ako ng paabante.”
(Japanese original ni Reina Kamoda, Utsunomiya Bureau)
Join the Conversation