OKAYAMA-
Inaresto ng pulisya sa Tsuyama, Okayama Prefecture, ang isang 90 taong gulang na lalaki na pinaghinalaan na nag tangkang pagpatay matapos niyang imaneho ang kanyang sasakyan kasama ang isang suspek na nang-shoplift na nakakapit sa hood.
Ayon sa mga ulat ng pulisya, ang driver na si Eizaburo Fukushima, ay nagsasabing nakita niya ang lalaki na nag-shoplift sa isang supermarket bandang 1:20 p.m. noong Sabado, iniulat ni Sankei Shimbun. Ang insidente ay naganap sa paradahan ng supermarket matapos sundan ni Fukushima ang lalaki palabas ng tindahan at inakusahan siya ng pagnanakaw.
Habang nagpapatuloy ang pagtatalo, sumakay si Fukushima sa kanyang sasakyan at nagsimulang magmaneho.Ang 38-anyos na suspek na nag-shoplift ay kumapit sa hood at sa side mirror nang humigit-kumulang 280 metro habang paulit-ulit na huminto at nagsimula si Fukushima, sinusubukang ipagpag siya. Nagtamo ng minor injuries sa kanyang binti ang lalaki.
Inimbistigahan ng pulisya si Fukushima na nagsasabing, “Natakot ako dahil sumisigaw ang lalaki, kaya sinubukan kong paalisin siya sa pamamagitan ng pagmamaneho ng aking kotse. Hindi ko siya sinubukang patayin”.
Sinabi ng pulisya na kinukuwestiyon nila ang lalaki tungkol sa akusasyon ng shoplifting.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation