Sinabi ng Economy, Trade and Industry Ministry ng Japan na dalawang staff sa World Expo pavilion ng Japan na isinasagawa ngayon sa United Arab Emirates ay nag positibo sa coronavirus. Sinarado ang pavilion noong Sabado.
Sinabi ng ministeryo na ang isang pavilion attendant ay nag positibo pagkatapos sumama ang pakiramdam. Sinabi nito na ang isa pang attendant na nagtatrabaho din doon ay nag-positibo din. Ang dalawa ay mga Japanese national.
Sinabi ng ministeryo na ito ang unang pagkakataon na ang mga staff ng Japan Pavilion sa Expo 2020 Dubai ay nakumpirmang nahawaan ng coronavirus. Sinabi nito na ang lahat ng humigit-kumulang 170 na manggagawa sa pavilion ay pina-test.
Sinabi ng ministeryo na ang mga opisyal ay magpapasya kung bubuksan muli ang pavilion pagkatapos isaalang-alang ang mga resulta ng tests at iba pang mga kadahilanan.
Ang pang-araw-araw na bilang ng mga impeksyon sa coronavirus na iniulat sa UAE ay tumaas ng higit sa 10 beses mula noong ang unang kaso ng variant ng Omicron ay nakumpirma doon noong unang bahagi ng buwan.
Sampung manggagawa sa isang sushi restaurant na katabi ng Japan Pavilion ang natagpuang infected ng virus noong Disyembre 20.
Join the Conversation