Binuksan ang isang vaccination site sa Kita Ward ng Tokyo para sa mga dayuhang residente na hindi pa nakakakuha ng una at pangalawang shot.
Ang mga dayuhan na naninirahan o nagko-commute sa ward ay maaaring makatanggap ng shot nang hindi nagpapareserba sa venue na naka-set up sa parking lot ng Tokyo-Kita Medical Center.
Ang mga boluntaryong interpreter ay nag-aalok ng tulong sa anim na wika, kabilang ang Chinese, Vietnamese at Bengalese.
Noong Lunes, isang Bangladeshi ang bumisita sa venue. Sa suporta mula sa isang interpreter sa pamamagitan ng telepono, pinunan niya ang isang questionnaire sa screening bago ang pagbabakuna at nainterbyu ng isang doktor bago tumanggap ng iniksiyon.
Sinabi ng ward na, noong Nobyembre 1, halos 80 porsiyento ng mga residente nito ay ganap na nabakunahan, habang 69 porsiyento ng mga dayuhang residente ay nabakunahan.
Sinabi ng mga opisyal na maraming dayuhang residente ang maaaring napalampas ang pagkakataon dahil sa hadlang sa wika o iba pang dahilan.
Sinabi ng isang mataas na opisyal sa lokal na pampublikong sentro ng kalusugan na makikipagtulungan sila sa mga boluntaryo upang ipaalam sa mga dayuhang residente ang tungkol sa lugar ng pagbabakuna.
Ang site ay magbubukas hanggang Biyernes ngayong linggo sa pagitan ng 5:30 p.m. at 7:30 p.m.
Join the Conversation