Share
Kinumpirma ng Tokyo Metropolitan Government ang 22 na bagong kaso ng coronavirus sa kabisera noong Linggo.
Ang bilang ay tumaas ng isa mula noong nakaraang linggo.
Ito ang ika-29 na sunod-sunod na araw na ang pang-araw-araw na bilang ng kaso ay nanatiling mababa sa 50, at ang ikatlong magkakasunod na araw ay mas mababa sa 30.
Ang pitong araw na average ng mga bagong kaso hanggang Linggo ay 24.6, o 22.4 porsiyentong mas mataas kaysa sa bilang sa nakaraang pitong araw.
Walang namang namatay mula sa coronavirus na naiulat noong Linggo sa Tokyo.
Join the Conversation