FUKUOKA –Isang 69-anyos na lalaki ang inaresto noong Nobyembre. 3 ng prefectural police dahil sa umano’y paglabag sa Anti-Stalking Act matapos niyang lagyan ang humigit-kumulang 50 na patay na ipis sa harap ng dining establishment ng isang babaeng kakilala.
Iniulat na sinabi ni Yasuhiko Taira sa mga imbestigador na mayroon siyang gusto sa 37-taong-gulang na babae, ngunit nagalit siya dahil bigla itong nagsimulang naging malamig sa kanya.
Inakusahan si Taira na nagkalat ng humigit-kumulang 50 na ipis sa harap ng negosyong pinapatakbo ng babae sa timog-kanlurang lungsod ng Fukuoka sa Japan bandang 9:30 ng gabi noong Oktubre 30. Nang matanto ng babae ang ginawa ng suspek, binalaan ito na huwag na huwag na siyang kontakin pa ngunit kinabukasan, limang beses umano itong tinawagan sa kanyang cell phone sa loob ng ilang minuto.
Ayon sa Chuo Police Station ng Fukuoka Prefectural Police, nagkakilala ang dalawa mga dalawang taon na ang nakalilipas sa isang fishing trip pagkatapos nito ay sinasabing nagsimulang puntahan ni Taira ang establisyimento na pgmmay ari ng babae.
(Japanese na orihinal ni Ken Nakazato, Kyushu News Department)
Join the Conversation