Isang broker na babae ang inaresto ng Tokyo Metropolitan Police Department dahil sa hinalang pagpapakilala ng mga hindi residenteng Filipino na lalaki sa isang construction materials company bilang mga part-time workers.
Si Almeda Imelda Amor Marquez (49), isang Filipino national, ay inaresto dahil sa paglabag sa Immigration Refugee Law, nag shokai siya ng trabaho sa mga Pilipino na walang resident status sa isang kumpanya sa Saitama Prefecture.
Ayon sa Tokyo Metropolitan Police Department, ipinakilala ni Almeda ang walong lalaki at babae na may nasyonalidad na Pilipino, at nakatanggap ng humigit-kumulang 15 milyong yen para sa upa at transportasyon mula sa bawat isa.
Inamin ni Almeda na pinakilala niya ang mga ito sa kaisha dahil kapos sa manpower ang kumpanya.
Join the Conversation