Pinahaba ng gobyerno ng Japan ang mga deadline para sa emerhensiyang suportang pinansyal sa susunod na taon para sa mga taong may nabawasang kita o kawalan ng trabaho dulot ng pandemya ng coronavirus.
Ang mga residenteng hindi Hapon ay karapat-dapat ding mag-apply.
Nagbibigay ang gobyerno ng pautang na hanggang 200,000 yen, o humigit-kumulang 1,700 dolyares, sa mga nangangailangan ng pera.
Ang isa pang programa ay nagpapahintulot sa mga sambahayan na may dalawa o higit pang miyembro na humiram ng parehong halaga bawat buwan sa loob ng tatlong buwan bilang mga pondo para sa pamumuhay.Ang mga nag-iisa lamang sa buhay ay maaari din humiram ng 1,300 dolyar bawat buwan din sa loob ng tatlong buwan.
Ang parehong mga programa ay walang interes.
Ang deadline ng aplikasyon ay orihinal na sa katapusan pa ng Nobyembre. Ito ay pinalawig hanggang sa katapusan ng susunod na Marso.
Ang mga aplikasyon ay maaaring ihain sa municipal social welfare council sa buong bansa.
Nagbibigay din ang gobyerno ng mga pautang na hanggang 2,600 dolyar sa loob ng tatlong buwan para sa mga taong naabot na ang limitasyon sa paghiram para sa mga pautang na ito o na tinanggihan ang aplikasyon para sa mga bagong pautang.
Ang deadline para sa aplikasyon para sa mga pautang na ito ay pinalawig din hanggang sa katapusan ng Marso. Ang mga tatanggap ay maaaring mag-apply para sa mga pautang kung patuloy silang ma-gigipit sa pera.
Ang mga aplikasyon ay maaaring gawin sa mga tanggapan ng panlipunang welfare ng mga pamahalaan o munisipalidad ng prefectural.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation