Ang mga mabalahibong capybara sa isang zoo sa bayan ng Nasu, hilaga ng Tokyo, ay nasiyahan sa mainit na paliguan na may mga nasa isandaang mansanas na lumulutang.
Ginawa ng staff sa Nasu Animal Kingdom ang outdoor pool para magbigay ng kaunting init sa taglamig sa mga higanteng rodent, na nagmula sa rehiyon ng Amazon sa South America.
Natanggap ng mga capybara ang kanilang treat noong Biyernes, ito ay isang magandang araw para sa mga hapon, isang maganda at mainit na paliguan.
Pinagmamasdan ng mga bisita ang mga hayop habang kinakagat nila ang mga mansanas, isa sa kanilang mga paboritong pagkain, sa mainit na tubig.
May isang ama o lalake na dumating kasama ang kanyang mga anak mula sa lungsod ng Mito, Ibaraki Prefecture, ang nagsabing nakakarelaks na panoorin ang mga hayop na naliligo, at gusto niyang pumunta mismo sa isang hot spring.
Ang apple bath ay isang espesyal na araw, ngunit sinasabi ng mga zookeeper na mapapanood ng mga bisita ang mga capybara na naliligo hanggang sa kalagitnaan ng Marso.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation