KYOTO — Ang mga dumadaan sa Katsurazaka New Town sa Nishikyo Ward Kyoto ay natutuwa sa taunang pag palit ng kulay ng mga puno ng sweet gum tree, masisilyan ang autumn colors na tila mala-apoy na nagliliyab.
Ang sweet gum tree ay isang deciduous tree species na katutubong sa North at Central America. Ang kanilang mga dahon ay humigit-kumulang 15 sentimetro ang lapad at kahawig ng mga dahon ng maple.
May 360 na nakatanim na swer gum tree na nakatayo sa magkabilang gilid ng humigit-kumulang 2 kilometrong kalsada sa Katsurazaka New Town. Sinabi ng isang residente ng kapitbahayan na nagsimulang magbago ang kulay ng mga dahon noong huling bahagi ng Oktubre, bahagyang mas maaga kaysa sa karaniwan. Ang magagandang tanawin ng mga kulay ng taglagas ay maaaring makita mula sa isang kalapit na bundok.
(Japanese original ni Kazuki Yamazaki, Osaka Photo Department)
Join the Conversation